Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

LEVEL 3.7

5 posters

Go down

LEVEL 3.7 Empty LEVEL 3.7

Post by EijeiMeyou March 2nd 2013, 1:32 pm

LEVEL 3.7 Level_10

LEVEL 3.7- “Wendy’s New Life”

February 26, 2013
Umupo ako sa harap ng laptop. Great, mag-12 am na. Umaga na sa Germany kung saan naroon si mama. Nag-online ako sa skype at hinintay rin siyang mag-online.

"Ming," tawag ko sa pusa kong kulay puti, agad naman siyang tumalon papunta sa hita ko, hinaplUs-haplos ko siya hanggang sa tahimik na siyang nakatulog. Ang tagal mag-online ni mama.

Naisipan ko na munang manood ng Yamato Nadeshiko. Nakakatuwa si Sunako.

"Kkssh!"

"Aray!" napatayo ako at mabilis na lumapag si Ming sa sahig, paano ba naman, nagising siya t parang may kaaway, tumalim tuloy ang mga kuko niya at nasugatan ang kanang hita ko. "Bad, Ming-ming," sermon ko habang patuloy pa rin siya sa pagngangalit habang nakatingin sa pinto ng kwarto ko na hindi ko na pinagkaabalahang isara dahil wala naman akong kasama sa bahay. Nananayo ang mga balahibo niya at para talagang may kaaway.

Naglakad ako papunta sa aircon para hinaan yun. Para kasing lumamig ang temperatura sa buong kwarto. Naupo ulit ako sa harap ng laptop.

Dahil mahilig sa itim si Sunako na siyang bida sa anime na yun, madalas na madilim ang aura ng pinapanood ko. Naka-off pa mandin ang ilaw sa kwarto. Nasa parte na ako na nagkukulong si Sunako sa isang madilim na lugar nang marinig ko ulit si Ming na nag-iingay. Tumalon siya sa hita ko na parang may tinatakbuhan.

Pagtingin ko sa left side ng screen ng laptop, nanlaki ang mga mata ko...

Parang may babaeng sumisilip mula sa pinto. Nakasilip lang ang ulo niya at hindi ko makita ang katawan niya. Kitang-kita ko ang mapuputing mga mata niya. Nagre-reflect sa salamin ng laptop.

Namanhid ang buong batok ko nang dahil doon.

Pinilit kong iikot ang ulo ko para tumingin dun.

Malakas ang speaker ng laptop pero parang wala akong naririnig maliban sa ingay ni Ming. Pumikit ako at bumilang ng hanggang tatlo. Pagmulat ko ay wala na doon ang ulong nakasilip. Lumiwanag na rin ang laptop dahil lumabas ang bidang lalake na nagdudulot ng pagdurugo ng ilong ni Sunako.

Idinaan ko sa paghaplos kay Ming ang nararamdaman ko. Hindi lang naman ngayon ang pagkaranas ko nito, maraming beses na.

Chi-neck ko kung online na ba si mama.

Good, online na siya. Binuksan ko agad ang cam ko.

Nag-uusap kami ni mama at pansin ko ang maya't mayang pagkunot ng noo niya. Ilang beses din siyang nag-offline kaya kailangan pa naming mag-reconnect ulit.

Mag-aalas tres na nung matapos kaming mag-usap. Sa FB na lang daw kami mag-chat.

Ang pinaka-di ko malilimutang chi-nat niya sa akin nung gabing iyon ay: "Ipa-bless mo yang kwarto mo, di lang makalimang beses akong may nakitang sumisingit sa camera. May sumisilip din sa pinto, wag mo kasing iiwang nakabukas, kita mo, nakakapasok siya. Anak, yung kama mo, pagpagin mo muna bago ka mahiga, nandun din siya kanina."

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. Matagal ko na ring nararanasan ang mga ganitong bagay pero hindi ko makayang isanay ang sarili ko. Bago ako matulog ay pinagpag ko ang kama ko.

Pero kahit ganun, alam kong nung nahiga ako, may tumabi sa akin.
***
February 26, 2013
Nagising ako ng mga alas-siete, mas maaga ng thirty minutes sa ini-alarm ko. Nagising ako na parang tumatawa kasabay nun ay ang pagsama sa ihip ng hangin ng isang tinig na parang may sinasabi pero hindi ko naman maintindihan.

Winaglit ko iyon. Kung papadala ako sa mga naririnig at nararamdaman ko, baka mabaliw lang ako.

Kailangan kong maglaba sa ngayon. Naghilamos na muna ako sa banyo sa kwarto ko at nagpunta sa basement. Walang bintana doon, iyon ang isang iniangal ko nung lumipat kami doon bago magpunta sa Germany si mama. Okay lang sana kung may kasama ako pero hanggang ngayon na mag-iisang buwan na ‘ako’ dun ay di pa rin dumadating ang tita ko.

Nagha-hum ako habang buhat ko ang palanggana na naglalaman ng mga damit na lalabhan ko. Nasa basement kasi ang washing room, bababa muna ng hagdan at may switch sa lagpas ng pinto.

Nilalagay ko na sa loob ng washing machine ang mga labahin at patuloy pa rin ako sa pag-ha-hum...

“...you may think you see
Who I really am...”

Napatigil ako sa pagha-hum.

Parang may sumabay sa pagkanta ko?

Nakita ko si Ming sa ibabaw ng mataas na stool.

“Kksshh!”

“Ming, baba ka nga!” saway ko sa kanya. Pinababa ko siya. Nakataas ang mga balahibo niya at parang may kaaway gaya lang din kagabi. Pagkababa ni Ming sa stool ay nagpatay sindi ang ilaw. “Pundido ba?” natanong ko sa sarili ko. Sinigurado ng electrician na tatagal ng ilang buwan ang ilaw doon, sa buong bahay. “Ming...” binuhat ko si Ming. Hindi pa tapos ang pag-iikot ng washing machine. “Tara muna sa labas,” kausap ko sa kanya, nakatingin ako sa kanya habang naglalakad palabas ng washing room.

Malapit na ako sa pintuan ng may maramdaman akong hangin na parang may tumakbo sa harap ko. Agad kong pinalig ang ulo ko sa magkabilang panig sa labas ng kuwarto at may nakita akong anino na parang tumatakbo pero pagdating sa madilim na parte ng aisle, bigla yung naglaho.

Imbes na sundan iyon ay binilisan ko pa ang paglalakad patungo sa hagdan.

“Kksh!” tumalon pababa si Ming at inunahan ako sa pag-akyat.

Malapit na ako sa itaas ng may maramdaman akong malamig na kamay na pumigil sa paa ko dahilan para malugmok ako.

Nanlalaki ang mga matang lumingon ako.

“...you may think you see
Who I really am...” kanta niya.

Hindi na ako nag-isip at hinila ko ang paa ko. Tumakbo ako paakyat sa kwarto.

Nanlalamig ang buong katawan ko na hindi ko maipaliwanag. Siya rin iyong nakita ko kagabi habang nanonood. Siya rin iyong babaeng sumisilip sa pinto ng kwarto ko.
***
February 27, 2013
Gumagabi na nang maligo ako. Wala kasi kaming pasok ng isang linggo kaya okay lang kahit hindi ako maligo ng maaga.

Katatapos ko pa nga lang kumain ng hapunan.

Pumasok ako sa banyo na nasa loob din ng kwarto ko. Sinara ko ang pinto at hinawi din ang kurtina na naghihiwalay sa kung saan nagpapalit ako ng damit at sa mismong paliguan. Humarap ako sa lababo, kitang-kita ko ang sarili ko sa salamin na nasa itaas lamang ng lababo. Nag-se-sepilyo ako nang may marinig ako na parang umiingit na pinto mula sa kabilang kwarto. Maya-maya ay parang may nagsasara naman niyon at nagbubukas ulit ng isa pang pinto.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natatakot. Pero dahil wala akong kasama sa bahay ngayon at maaaring bukas pa dumating si Tita, tinibayan ko ang loob ko.

Pinagpatuloy ko ang pag-se-sepilyo ko.

Pagkatapos kong magsepilyo ay may naririnig akong parang nagdadabog at mayroong tumatawa. Hinawi ko lang ang kurtina para sumilip, wala namang kakaiba. Yun nga lang, may mga ingay akong naririnig na madalas ko na ring marinig buhat ng lumipat kami doon.

Naghubad na ako para maligo. Humarap ako sa tiles at binuksan ang shower. Nakapikit pa ako habang dinadama ang pag-agos ng tubig sa aking katawan.

Nagsa-sabon na ako nang may marinig na parang kumakanta sa kabilang panig lang ng banyo.

“...you may think you see
Who I really am...”

Inaninag kong mabuti ang anino na nakikita ko mula sa kabilang bahagi ng kurtina.

Nakatayo lang siya pero lumalaki ng lumalaki.

Lumapit ako at hahawiin na sana pero biglang may kamay na bumakat doon dahilan para mapaatras ako. Bumangga pa ang likod ko sa pader.

“Look at me
You may think you see
Who I really am
But you never know me...”

Dama ko ang pagkirot ng likod ko. Nakatitig pa rin ako sa kurtina na kanina lang ay may kamay na bumakat pero ngayon ay wala na. Patuloy ang pagsabay ng himig sa hindi maipaliwanag na tono.

Parang may kung anong bumubulong sa akin na tumingin sa salamin. Naninigas ang batok ko pero pinilit kong tumingin doon.

Ang babaeng sumisilip sa kwarto kagabi!

Walang boses na lumalabas sa bibig ko. Alam kong nakanganga ako pero wala talagang lumalabas na boses dun kahit na gustuhin ko mang magsumigaw. Her face is unrecognizable pero alam kong nakangiti siya. Nagpatay-sindi ang ilaw. Nang muling tumino iyon ay wala na yung babae sa salamin.

Ilang minuto rin ang kinailangan ko para pakalmahin ang sarili ko at pinagpatuloy ang paliligo.

Paglabas ko ng banyo ay nakapagpalit na ako. Nakita ko si Ming na parang may kung anong kaaway sa ibabaw ng kama ko. Naghi-hiss siya at tinataas-taas pa ang kamay na parang may kinakalmot.

“Ming,” saway ko sa kanya. Alam ko na hindi normal umakto ang mga hayop, lalo na sa pusa, na ganoon.

Tumakbo si Ming papunta sa paanan ko. Nag-blower naman muna ako para mabilis na matuyo ang buhok ko.

Napatingala ako ng may parang nag-i-screech at kinakaskas na kahoy sa kisame. Parang kuko na may kinakalmutan. Nagtungo ako sa drawer para kunin sana yung rosaryo ko pero bago ko nabuksan yung drawer ay napatingin ako sa salamin.

Nakita ko ulit yung babae na parang nanlilisik ang mga mata.

Hindi ko na pinagpatuloy ang pagkuha sa rosaryo at pumunta na lang sa kama. Nahiga na ako at agad nagtalukbong ng kumot, naramdaman kong nahiga si Ming sa tabi ko pero paminsan-minsan ay naririnig ko siyang nag-iingay.
***
February 28, 2013
Bored na ako. Wala akong ibang ginawa kundi mag-internet, manood ng TV at kumain. Hindi naman ako makatulog kasi ayokong tumambay sa kwarto ko. Kagabi nga lang ay parang may umuupo tapos tatayo ulit at alam kong may pumapantay sa mukha ko at nagbubuga ng hangin.

Umakyat ako sa taas at nagtungo sa library. May mini-library kasi iyon pero ang mga libro ay pawang luma na. miminsan lang ako nadadayo doon.

Binuksan ko ang ilaw, tanghali pa naman pero hindi abot ng liwanag ng araw ang parteng iyon ng bahay.

Mula sa mga racks na parang pang-city library talaga ay naghanap ako ng mga librong mababasa. Mas matangkad sa akin ang mga racks doon at ang ilang libro ay hindi ko maabot kasi masyadong mataas ang kinalalagyan.

Kailangan ko pang tumuntong sa isang upuan para lang makita ang mga librong iyon.

Hila-hila ko ang upuan ng makakita ako ng isang libro na kulay asul sa mataas na parte ng isang rack. Tumuntong ulit ako sa upuan. Tinignan ko ang libro. May kakapalan din iyon. “Fam’s Album,” basa ko doon. Album? Ibig sabihin, hindi ito libro.

Binuklat ko iyon at bumulaga sa akin ang larawan ng isang masayang pamilya. Makikita sa ngiti ng bawat isa ang tuwa. Tuwa na ni minsan ay hindi ko nadama kasi wala akong matatawag na pamilya. Sa larawang iyon, may ina---meron ako nun, may ama---meron nga pero parang wala rin, may kuya---na hindi ako napagkalooban, at may isang batang babae na pinalalagay kong ako. “’Family’s the best treasure you could keep...’” basa ko sa quote doon.

Napangiti ako. Pagmamay-ari siguro ng mga unang tumira sa bahay. Sa ahente na lang kasi namin nabili to at ang sabi, mag-li-limang taon na ay hindi pa rin nabebenta ang bahay.

Sa sumunod na larawan ay ang ika-apat na taong larawan ng batang babae. “Mandy,” basa ko sa pangalang nasa cake. ‘Happy 4th birthday, Mandy’, yun ang nakalagay so baka nga yun ang pangalan ng batang babae. Kumpleto pa rin ang pamilya sa larawan.

Sa mga sumunod na larawan ay nangunot ang noo ko. “Nasaan ang ama?” tanong ko sa sarili ko. ‘13th birthday’ lang ang nakalagay doon. Hindi na rin ganun kasaya ang mukha ng mag-iina. May simpleng ngiti lang, iyon na. Pero ang lalong nakapagpakunot noo sa akin ay ang sumunod na nakita ko, hindi na kaarawan kundi burol ang nandoon. Isang close-up picture ni Mandy habang nasa loob ng kabaong. 15 na siya doon noon. At ang mga huling larawan ay ang burol naman ng anak na lalake at ang ina.

Nasaan ang ama? Sinong nag-compile nitong mga pictures?

Ililipat ko na sana sa huling pahina nang makarinig ako ng mga yabag papalapit. Mula doon ay kinalat ko ang paningin ko. Sa isang bahagi ng library ay may nakita akong anino na parang tumatakbo. Nakarinig na naman ako ng tawanan, mga pagdadabog at parang ginagasgasan na kisame.

“Look at me...”

Tumingin ako sa upuan na tinutuntungan ko.

May mga kamay nakahawak doon. Tumaas ang paningin ko sa may-ari ng mga kamay na iyon.

Nanlaki na naman ang mga mata ko pagkakita sa babae. “Mandy...” wala sa sariling nausal ko.

“...you may think you see
Who I really am...” parang galing sa hukay na kanta niya pagkatapos ay yinugyog ang tinutuntungan kong upuan dahilan para bumagsak ako sa sahig.

Napahawak ako sa baywang ko. Nabali pa yata iyon.

Tumingin ako sa paligid, wala na siya.

“Sabi ko na nga ba ikaw yun eh.”

Napakislot ako. Tumingin ako sa pintuan at nakita ko ang tita ko na papalapit sa akin. “Tita.”

“Ano bang ginagawa mo dito, bata ka? Halika na’t sa labas na nga tayo, ang alikabok dito,” tinulungan niya akong tumayo. “Iwan mo na nga yang hawak mo dito.”

“Hindi,” napatingin ako sa album na hawak ko, “hindi ko pa po to tapos.” Hinawakan ko iyon ng mahigpit.

“Oh, siya, tara na.”

Sumunod na lang ako sa kanya.

Kinagabihan, kinausap ko ng masinsinan si tita. Tungkol sa mga nakita ko, narinig at naranasan ko. Hindi na iyon lingid sa kanilang kaalaman, bata pa lang ako, alam na ng buong pamilya ko iyon. Pagkatapos kong magkwento ay napaantanda si tita. Lalo na ng makarinig kami pareho ng tumatawa at nagtatakbuhan sa labas ng kwarto.
***
March 1, 2013
Dahil sa kwento ko kay tita kagabi, tinawagan niya ang ahenteng pinagbilhan namin ng bahay.

“We need an explanation,” demand ni tita sa ahente. “Binili namin itong bahay knowing na safe kami dito. Oo nga, safe, but not totally.”

Nakaupo lang ako sa tabi ni tita habang kampante namang nakaupo ang ahente na marahil ay nasa-cuarenta na ang edad sa single sofa. Binubuklat-buklat ko naman ang album. Nakikita ko pang sumisilip-silip ang ahente doon.

Inayos niya ang pagkakaupo at maging ang salamin niya sa mata bago nagsimulang magsalita. “Year 1999 nang maipatayo itong bahay, as you can see, the design outside is futuristic at hindi makaluma. Pero dito sa loob, may hint ng parang vintage, from the door knobs to the staircase design. Tinirhan ito ng pamilyang Ricareto. Mayamang angkan ang pinagmulan ng mag-asawa, patunay nga ang bahay na ito. Nagkaroon sila ng dalawang anak---“

“Si Mandy po ba ang isa?” natanong ko, natigil ako sa larawan ni Mandy noong ikaapat na taong kaarawan niya.

Tumango siya, “oo. Si Mandy at Arnold. Maligayang pamilya sila... pero nalulon sa bisyo ang ama. Nalimutan ang pamilya at may pagkakataong hindi umuuwi. Ilang okasyon rin ang hindi niya nadaluhan at yun ang simula ng pagbagsak ng pamilya at maging negosyo nila.”

Nakatingin naman ako ngayon sa larawan na wala na ang padre de pamilya.

“Hanggang sa malamang may malalang sakit ang batang si Mandy. Naghirap siya na wala ang ama niya, naghirap ang kapatid at ina niya na makitang nakikipaglaban siya sa buhay niya. Wala namang kaalam-alam ang ama dahil nga sa hindi na niya inaasikaso ang pamilya niya. Umuuwi lang siya para manguha ng pera... imbes na pampagamot ni Mandy, naisusugal niya. At dumating ang araw na namatay ang bata. Doon tuluyang nagising ang ama. Naisip niya lahat ng kasalanan niya. Lahat-lahat. Pero huli na. Isang araw na umuwi siya na may dalang pagkain na inutang pa niya, naabutan niya ang mag-ina niyang nakalugmok sa sahig, bumubula ang bibig, nakabukas ang mga mata.”

Ngayon ko naramdaman ang sakit habang tinititigan ang larawan ng pamilya, isa-isang nasa loob ng kabaong. Gusto ko sanang itanong kung nasaan ang ama.

“Nabuhay mag-isa ang ama sa bahay na ito... pero gaya niyo, lagi siyang nakakarinig ng mga tawa, nakakaranas ng mga pagdadabog... ang mga tawang iyon ay ang tawa ng batang si Mandy nung buhay pa siya. Ang dabog na iyon ay ang pagtatampo niya sa kuya niya. Lahat ng iyon ay konektado sa buhay ni Mandy. At diyan nagtatapos ang kwento.”

Tumingin lang ako sa kanya. Tahimik naman si Tita.

“Pero... nasaan po ang ama?”

“Siya ang bumuo niyang tinitignan mo ngayon,” nakangiting sabi niya.

Nilipat ko sa huling pahina ang album. Tinitigan kong mabuti ang larawan. Pagkuway tumingin sa ahente.

Tinanggal niya ang salamin niya sa mata at tumayo, nilahad niya ang palad niya sa akin, “Mr. James Ricareto, nga pala.”
***
Author: I know di siya nakakatakot and so-so. :3 This is a continuation story of LEVEL 3. If you know GSMPMD page, andun yung first three parts but the last three parts eh nasa wattpad account ko na. And then... Why Level 3.7? Kasi nga, tapos na yung Level 3---you’ll know the answer IF ever nabasa niyo na yung Level 3 (10% chance lang na nabasa niyo na.) Again, another story, wootwoot! May katuloy pa ito, NA NAMAN. True story po ito kaya medyo hanglabo ng details, would like to thank sa may-ari ng kwentong to. I mean, kinuwento niya, nilagay ko dito, medyo inayos ko lang ng konti---with her blessings! Mind the dates po, ha? Smile

Property of http://wattpad.com/user/EijeiMeyou
All rights reserved 2013
Cover by EijeiMeyou
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert

Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013

http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by im_sad_coz_im_alone March 2nd 2013, 5:57 pm

EijeiMeyou wrote:

Mahilig po ba kayo sa Horror
im_sad_coz_im_alone
im_sad_coz_im_alone
Well-known

Status : hello ulit guys
Female Comments : 233
<b>Votes Received</b> Votes Received : 14
<b>Credits</b> Credits : 36831
<b>Join date</b> Join date : 2013-02-03
1st Pet : Hatsune Miku
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Contest 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013

http://im-sad-coz-im-alone.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/im_sad_coz_im_alone

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by EijeiMeyou March 2nd 2013, 7:03 pm

SPAMHINDI YAN HORROR. HAHAHAHA ANO SA TINGIN MO, HIJA? :PSPAM
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert

Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013

http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by JSTakumi March 3rd 2013, 10:57 am

COMEDY YAN DIBA AJ? XD HAHA.
JSTakumi
JSTakumi
Forum Expert

Administrator
Status : お元気ですか?
Female Comments : 398
<b>Votes Received</b> Votes Received : 15
<b>Credits</b> Credits : 24765
<b>Join date</b> Join date : 2012-12-23
1st Pet : Troll Ghost Alien: "You laugh, I laugh. I'm floating, you scream. BOO!"
2nd Pet : Gaia Cat
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Featured Story Award

https://twitter.com/JSTakumi http://www.wattpad.com/user/JSTakumi

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by iamMerzi March 3rd 2013, 11:34 am

Feeling ko nga din comedy yan eh! Lakas talaga ng pakiramdam kong nakakatawa yang kwentong yan. *Sarcasm included*
iamMerzi
iamMerzi
Forum Sophomore

Moderator
Female Comments : 173
<b>Votes Received</b> Votes Received : 7
<b>Credits</b> Credits : 42633
<b>Join date</b> Join date : 2012-12-23
1st Pet : Red Dong: "Aaaaaaaaaaaah... Dong, nganga ka rin."
2nd Pet : Hatsune Miku
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Featured Story Award

http://www.wattpad.com/user/iamMerzi http://www.wattpad.com/user/iamMerzi

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by EijeiMeyou March 3rd 2013, 2:38 pm

SPAMWAHAHA MIND THE SARCASM. :PSPAM
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert

Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013

http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by iamMerzi March 3rd 2013, 4:18 pm

HAHAHAHAHAHAHHA! XD Diba no, AJ? Comedy yang story mo :3
iamMerzi
iamMerzi
Forum Sophomore

Moderator
Female Comments : 173
<b>Votes Received</b> Votes Received : 7
<b>Credits</b> Credits : 42633
<b>Join date</b> Join date : 2012-12-23
1st Pet : Red Dong: "Aaaaaaaaaaaah... Dong, nganga ka rin."
2nd Pet : Hatsune Miku
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Featured Story Award

http://www.wattpad.com/user/iamMerzi http://www.wattpad.com/user/iamMerzi

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by Tuti March 4th 2013, 1:45 am

More more! XD
Tuti
Tuti
Forum Expert

Administrator/Founder
Status : Daming gagawin.
Male Comments : 377
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 22276
<b>Join date</b> Join date : 2012-12-22
1st Pet : Dante Rayko
2nd Pet : Cool Wing Cat
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Contest 1 Badge Shop 3 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 LEVEL 3.7 Empty

LEVEL 3.7 Empty

https://wattpinoy.forumotion.com http://www.wattpad.com/user/Arshen

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by EijeiMeyou March 4th 2013, 3:41 am

SPAMHUMOR PA? HAHAHASPAM
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert

Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : LEVEL 3.7 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013

http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

LEVEL 3.7 Empty Re: LEVEL 3.7

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Back to top

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum