Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

2 posters

Page 2 of 2 Previous  1, 2

Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou January 3rd 2013, 1:43 pm

First topic message reminder :

Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan nyang gawin yun bago ang unang patak ng ulan. At kailangang makakuha sya ng dahilan sa isang taong nagngangalang Geoff na balak pa yata syang ipasok sa mental.

By: EijeiMeyou


Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Okay6511]


Last edited by EijeiMeyou on January 20th 2013, 7:57 am; edited 1 time in total
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down


Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:05 pm

[GMARTL20]

Jessies POV

“Sun-check! Cloud-check! Hangin-check!” Lumingon ako, “gwapong Geoff--- malaking check! Okay pa naman ang panahon, yippee!”Nasa garden ako at nagwe-weather forecast with matching kalandian… nasa loob naman si Geoff, naghahanda ng breakfast slash snack nya.

Ding… dong… ding… dong… naalala ko tuloy si Whity. Musta na kaya sya kina Eunice? Hmm.

“May tao na naman! Wooshoo! Sino kaya yun?”

Lalabas na ako.

Nakita ko naman si Geoff na binubuksan yung gate habang nili-lick nya yung daliri nyang may mayonnaise.

“Surprise, honey!” With matching deep kiss sa na-shock na si Geoff na ganito ang ekspresyon
(O( )

Iba na talaga ang panahon ngayon, yung babae na ang humahalik.

“Oh! Angelie!” Shocked si Geoff. Sa wakas ay nailayo na nya yung babaeng parang linta kung makakapit.

“What? Di mo ko na-miss?” Nag-pout pa si Angelie.

Di ba break na silang dalawa??? Andun pa nga ako nung maghiwalay sila eh! ('_')

“Angelie… ahm…” speechless naman tong si Geoff.

Ngumiti uli si Angelie na nakakapit pa rin sa braso ni Geoff, yung as in na yakap-yakap nya talaga, “joke lang naman nung i-break mo ko… as in, hell-o! Hell-o! Bakit mo naman ako ibe-break di ba?”

“Ahy ang kapal naman ng apog ng babaeng to!” Nanlaki agad ang butas ng ilong ko.

“Hah---“ bitin yung pagak na tawa ni Geoff kasi siniil uli sya ng halik ni Angelie.

For…

Goshness…

Sake talaga ng todo todo!

“Inosente ako!!!” Sigaw ko bago nagmartsa papasok ng bahay.

What a nice moment to welcome my 13th day! As in na apat na araw na lang ako pero di ko pa rin magawa ng tama yung misyon ko!four days!

Pumasok na rin silang dalawa pagkalipas ng ilang minutong paghahalikan siguro. Kaloka sila!

Parang di ko makeri yung ginawa ni Angelie, ang ganda pa mandin nya at mukhang kagalang-galang. At lalo namang hindi makeri ng kagandahan ko yung hindi pagtanggi ni Geoff!

“Honey, bat di natin i-try mag-ano sa room mo? Lagi na lang tayo sa guest room noon eh…” seductive yung boses ni Angelie habang nananalaytay yung kamay nya sa dibdib ni Geoff.

Gravety! Di ko pa nga magawa kay Geoff yun eh! At-------at……..at di ko pa rin gagawin yun kahit may pagkakataon noh! Oo!tama…… di ko yun gagawin!

Nakakawala ng katinuan! Kaya pala wala akong ma-vision sa kama ni Geoff kasi sa guest room sila gumagawa ng milagro ng jowangwang nya! kainis talaga! K

Nakatalungko lang ako sa sofa habang nakamasid sa kanila.Pasulyap sulyap din sa kin si Geoff…parang naiilang… “oo nga naman , Geoff, bat di nyo i-try mag-ano sa room mo?” Nang-iinis pa yung nakapaskil na ngiti sa labi ko, “ako magiging audience nyo. Tara.”

“Ahm, Angelie, wag muna ngayon okay?”

Wag muna ngayon? So may balak talaga sya NEXT TIME? Ahy shemay momay !

“Anak ng baklang amasona ka talaga , Geoff!!!!!!” At nagsimula na kong lumayas sa harapan nila.

Nakarating ako sa kalsada na walang ibang iniisip kundi yung dalawang yun.

“Hindi lang pala si Mitchie, si Angelie rin pala. At malapit na rin nya akong naisali sa tropang bobo nya…kakainis! Bbbrrr!” Bulong ako ng bulong. Nakatingin lang ako sa paa ko na nakasuot ng pink na step-in. “Pero infairness ang ganda ng paa ko ha.”

“Maganda ka rin naman.”

“Ha?” napatingin ako sa tabi ko, si Peter.p-pero panu? Walang ‘chuweng’ na naganap???? “Pano ka nakarating dito?”

“Nanggaling ako keh Nutella. Naisipan kong maglakad lakad, at nakita ko ang maganda’t maamo mong mukha.” Smiles.

Ang gwapo talaga ni Peter oh!

“Sinong Nutella?”

“Si Natasha.”

“Chocolate na bag? Nutella Natasha? Haha! Pareho kaung nakakatawa ang pangalan! Hahahaha! Pppffftt! Hahaha!”

“Imbes na pagtawanan mo ko, harapin mo muna problema mo. Tss. Kinutya pa pangaln namin eh.”

Moment of silence………

“Nakikita ka ba ni Natasha?”

“Nope. Sa panaginip lang.”

“Oh? Anong sinasabi mo sa panaginip niya??? Ikaw ha, dream crasher ka.”

“Ano ba dapat sabihin ko? Eh di mahal ko siya.”

“Ayie! Nagbibinata na si Petriatico! Marahil nagbubunyi na mga ninuno mo…haha… magkakaapo na rin sila eh!”

“At sinabihan ko rin syang bumitaw na.”

Poinks. Sapok sa ulo ni Peter, ”yan para sa pagiging manhid mo.” Poinks ulit, “yan para sa pag-aabandona mo kay Natasha,” Poinks na naman, “At yan para sa trip ko.”

“Tatlo yun ah. Tss…eh sa talaga namang mahirap na.”

Nakarating na kami sa simbahang tambayan ni lola.

Nandun si lola.mukhang tulog kaya tumabi na lang kami sa kanya.

“Ikaw naman kasi, bat di mo gawin best mo? Sayang ang lahi mo gago. Kung di lang buntis si Natasha ngayon, susulutin kita pag nabuhay ako.”

“Wag ka ganyan magsalita, baka may batang nagbabasa, isipin pa nila mahalay yung author gayong pareho lang naman kayong inosente…. Bat nga pala tayo nandito? Magpe-pray?”

“Eto si lola,” iminuwestra ko sa kanya si lola, “tulog nga lang kaya pasensya ka na muna. Hintayin na lang nating magising.”

Tumunganga lang kami …diretso ang tingin sa altar.

“Hay. Andito ka pala , ineng.”

Ayan! Gising na si lola! “Hi po, lola!”

“At may kasama ka, pagkagwapo gwapo naman,” inlove pa yata si lola kay Peter, ano beyen, “sa tingin ko hindi sya gaya mo na may misyon.”

Siniko ko si Peter, “galing ni lola noh?”

“For real? Nakikita nya tayo?”

“Oo nga. Magaling yan. Hehe.” Tingin uli kay lola, “eh kasi lola------------“

“Bat ka kasi nagmadali, ineng? Di mo muna kasi sya tinanong bago ka umalis. Malay mo, hindi rin nya gusto yun.”

Wow. Manghuhula rin pala si lola????? Wala pa kong nasasabi kundi “eh kasi lola” taz umarangkada na agad sya????

Si Peter naman binalingan nya, “kung mawawala ka ba, hijo, masisiyahan ka ba? Panu kung di rin ‘nya’ kaya? Panu kung ikaw lang rin ang buhay nya? at isa pa, may inosenteng buhay ang madadamay kung mawawala ka. Smile sayang nga rin ang kagwapuhang maihahati mo sa daigdig kung mawawala ka.”

Ahy bet na bet si lola!

“Bakit po niyo alam ang lahat ng ito?”

“Oo nga po, lola, bat po nyo alam mga ito?”I second the motion lang.

Huminga ng malalim si lola, “kasi minsan na rin akong nasa kalagayan ninyo…ang pinagkaiba nga lang,di ko na nakasama ang taong mahal ko nung nabuhay ako…bakit? Kasi nawala ang katapangan ko. Kaya kayo, kung patuloy kayong magiging ganyan, iwe-welcome ko kayo sa mundo ko…sa mundong puno ng pagsisisi. At ang hiniling ko….eto….ang makita ang mga kagay nyo para matulungan ko kayo.”
***
Geoff’s POV

Sh*t.

Bakit nandito si Angelie?

And worse, why’d she kissed me? Sa harap pa ni Jessie!

Pumasok na si Jessie sa loob ng bahay… kami naman ni Angelie, nasa labas pa rin.

“This is not right.” Sabi ko sa kanya while hawak siya sa magkabilang balikat, nilalayo ko siya.

Ngumiti lang uli siya, yung tipong maloloko kahit na sinong lalake kasi maganda talaga si Angelie, “why? Im your girl. Youre my guy. Whats wrong?”

“Ah…” wala akong masabi… at the other side, may tama sya kahit papano. Pero paano si Jessie?

Sh*t talaga.

But I think this is also the right time to be sure about what I feel about Jessie. Baka kasi nadala lang ako ng pagiging masayahin nya. and hell! She’s a lost soul!

“Lets go inside,” aya ko kay Angelie. Agad syang kumapit sa braso ko…di ko naman matanggal kasi parang may mighty bond yung kamay nya.

“Honey, bat di natin i-try mag-ano sa room mo? Lagi na lang tayo sa guest room noon eh…” seductive yung boses ni Angelie habang nananalaytay yung kamay nya sa dibdib ko.

Damit. Its lust.

Nakatalungko lang naman sa sofa si Jessie habang nakamasid samin.nailang naman ako.

“Oo nga naman , Geoff, bat di nyo i-try mag-ano sa room mo?” Nang-iinis pa yung ngiti nya, “ako magiging audience nyo. Tara.”

“Ahm, Angelie, wag muna ngayon okay?” Aisht. Ano ba namang excuse yun?? May balak akong pumayag sa susunod??? Don’t think so!

“Anak ng baklang amasona ka talaga , Geoff!!!!!!” At nagsimula syang umalis.

Well, alangan namang habulin ko siya? Eh di pagtatawanan na ko ni Angelie! Isipin pa niyang nasisiraan ako ng bait! Tss.

Wala na sa paningin ko si Jessie.

“Whats the matter?”

And Angelie started kissing me. Dammit.

Gumanti ako pero iniisip ko pa rin si Jessie.

“To your room, honey…” paanas na sabi niya.

To my room? No way. Ang gusto ko lang ipasok dun ay yung babaeng papakasalan ko.

Well, si Jessie yung naunang babae dun…pero di pa naman kami nag-a-ano kasi nga soul siya.

Tss. Pati si Jessie pinagnanasaan ko.

Lust. Lust. Lust.

Patuloy pa rin sya sa ginagawa nyang paghalik sa kin…hanggang sa bumaba yung kamay nya…going to my manhood…

And then I open my eyes. “I’m sorry. But I don’t think this is the time.”

“Oh my, my, my, honey, haha..if you say so. But if you change your mind, im just a call away.”

Di naman pala siya mahirap kausapin. “Off you go.”

“You’ sure?” Nang-aakit na naman yung boses nya.

She’s really a tease. “Yes.”

I’ll wait for Jessie.

Tss. Ang gulo gulo ng isip ko. Sino ba pipiliin ko? Si Jessie o si Angelie?

Iiwan ako ni Jessie…

Pero si Angelie, hindi…
***
Jessie’s POV

Lumabas na kami ng simbahan pagkatapos kaming sermunan ni lola ng pagkahaba haba. Nasa park lang naman kami.

Magkatabi kami ni Peter habang nakaupo sa isa sa mga bench dun.

“So?”

“So?”

“Ahy ewan.”

“Ako rin.”

“Hmmm. Uuwi lang ako pag gumabi na.”

“Sasamahan na lang kita.”

Ahy ang sweet ni Peter…

Si Geoff kaya?

Kumusta na kaya sila ni Angelie?

Errr!
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:06 pm

[GMARTL21]

Jessie’s POV

“I only have three days now so please help me, God…”magkasalikop dalawang kamay ko.

Kakauwi ko lang eh.

6am ng umaga.

No signs of Angelie. The perimeter is clear! Attack!

Tss! Kung anu ano pumapasok sa isip ko!

Nasa sala lang ako…ayokong umakyat sa taas ng kwarto. Baka maloka ako.

2 hours passed pero nakasalikop pa rin ang mga kamay ko at umuusal ng walang hanggang panalangin.

“Jessie.”

Alam kong si Geoff yun kaya di na ko lumingon. “Oh?”

“Sa library tayo.”

“Ha?” di tumitino sa isip ko yung sinasabi nya.

“Sa library tayo, pls?”

Narinig ko na, may ‘pls’ kasi. “Ah, oo.susunod na ko.”

Yabag yabag yabag na papalayo.

Tinawag ko muna lahat ng santo at mga santang kakilala ko bago ako sumunod sa library.

“A-anong atin???” Pinatatag tsaka pinasigla ko yung boses ko.

Then seryoso syang tumingin sakin…

Then…

He let the atomic bomb down to me…

3 syllables.

Seven letters.

One space.

One apostrophe.

“I’m sorry.”






Matagal bago ako nakarecover.

“Teka lang… di ako nakikinig. Ahaha… ahy ano ba yan! Umuulan ba? Butas ang bubong mo, pre! Hala ano ba to! Bat umuulan!” Patuloy ko lang pinupunasan yung likidong tumutulo sa mga mata ko.

“Jessie------“

“Ahy ano ka ba!haha…wag ka lumapit, masasama ka sa basa oh. Masasama ka sa kamiserablehan ko, sira. Haha.” tumingala ako. Ano ba tong nararamdaman ko. Peter!!!!!!!!!!!

“I’m sorry.”

“Di mo kelangang ulitin, anobey! Okay lang yun….haha…”okay nga lang ba? “Sige..ba-bye! Ingat ka!”

Tinalikdan ko na sya…pero bago ako makatagos sa pader…nilingon ko sya…

Huling sulyap na lang.

Mahal kita.

Mahal na mahal kita.

At umalis na ko. No reason for me to stay at his house,…its over.

Di na ko magpapakapagod. Wala ng misyong iisipin.

Pero ganoon na lang bay un? Nagbalik lang si Angelie, sorry na agad?

Sorry saan?

Sorry kasi mas normal halikan si Angelie at mas sexy sya sa akin ng isang sepilyo?

Sorry kasi mas normal ka-date at kausapin si Angelie kesa sa kin?

Sorry kasi mas professional ka-SEX si Angelie kesa sa kin?

Ganun na lang ba yun? Ha? shit na luha ka!tumigil ka na nga!

“Langya, Peter!” at si Peter na walang kamuwang muwang ang pinagbuntunan ko.

Worthless son of a bitch yang si Geoff!

I only have 3days now…pero wala ng halaga pa yun. Bakit ko pa gagawin ang misyon ko??? Imposible ng mabuhay pa ako.

“Bat di ka bumalik?”

“Gusto ko ngang gawin pero anong sasabihin ko? ‘Oy Geoff! Mamamatay na ako kasi di ko nagawa ang misyon ko. Rock and roll!salamat sa iyo ha?’ ganun ba? Tss.”

Chuweng!

At naramdaman ko na lang na yakap ako ni Peter.

Suminghot ako, “amoy surf ka ha…”*sniff*

“Umiiyak ka na nga’t lahat yung sabong panlaba pa rin ang una mong pinansin.tahan na nga. Big girls don’t cry.”

“Nagsabi?” Kung anu ano pinapasok ni Peter sa utak ko.

Hinaplos nya yung buhok ko, “si Nutella. Big girls don’t cry kaya tahan na nga. Tara dun.”
***
Geoff’s POV

Alam kong kanina pang alas-sais nasa ibaba si Jessie. Paano? Di naman kasi ako nakatulog. Magdamagan ko siyang hinintay.

At magdamag din akong nag-isip…

Bumaba ako mga alas-otso.

“Jessie.” Sh*t. tama ba tong gagawin ko? Parang may pumipigil sa king gawin ito.pero may nagsasabing tama ang gagawin ko.

“Oh?” Di man lang nya ako nilingon. Nasa puno kasi ako ng hagdan.

“Sa library tayo.” Sa library…anong magagawa ng library? Mas liliwanagin ba ng library ang utak ko? Mag-isip ka ng tama Geoff!

“Ha?”

“Sa library tayo, pls?”first time ko gumamit ng ‘pls’ sa kanya. Ano bang nangyayari? Ako rin ay di ko maintindihan.

“Ah, oo. Susunod na ko.”

Umalis na ko. Mabibigat ang mga yabag ko habang papunta sa library. Nilingon ko siya. Sh*t.

“A-anong atin???”

Halatang pinatatatag lang nya yung boses nya.

Awa lang yang , Geoff, gawin mo na……sabi ng bad side ng utak ko.

Ano ba? Wag , Geoff, mahal mo siya, di ba? Good side naman yun.

Wag kang makikinig jan!iiwan ka din nya! bad side na naman.

At yun ang nagpabalik sa kin sa realidad, “I’m sorry.” Diretsahang sabi ko. Aw! Parang gusto kong bawiin pero parang di ko kaya. “Im sorry….” Ulit ko na naman.

Medyo matagal bago siya nagsalita…

At nakita ko yung mga kristal na likidong nag-uunahang bumaba sa mga pisngi nya… anong nagawa ko!

“Teka lang… di ako nakikinig. Ahaha… ahy ano ba yan! Umuulan ba? Butas ang bubong mo, pre! Hala ano ba to! Bat umuulan!”

Habang sinasabi nya yun, lalo akong nagsisi sa sinabi. Nagagawa pa nyang tumawa kahit umiiyak na sya.

At ako naman, di pa rin makakilos…tss! Oh please anong nagawa ko! “Jessie------“ aaluin ko sana sya pero paano? Nagawa na.

“Ahy ano ka ba!haha…wag ka lumapit, masasama ka sa basa oh. Masasama ka sa kamiserablean ko, sira. Haha,”tumingala pa sya. Nakatitig lang sya sa kisame.

“Im sorry.” Aw, Geoff…for what? Para ba sa unang sinabi kong ‘im sorry’ o sa nakikita kong pag-iyak nya ngayon?

“Di mo kelangang ulitin, anobey! Okay lang yun….haha… Sige..ba-bye! Ingat ka!”

Tumalikod na sya sa kin.

Nung nasa harap na sya ng pader, lumingon pa sya sakin na parang sinasabing…mahal kita???

Erase!

At nung mawala na sya sa paningin ko, napaupo ako.

Pilit na pinapaniwala ang sariling tama lang yung ginawa ko.

After 1122334455 hours, nagpunta ako sa kwarto.

“Hi, Geoff! Maligo ka na ba?????”

“Jessie!” Bulalas ko at napatingin sa kama kung saan tumatalon si Jessie…

lumapit ako dun…

“okay, Geoff, magpacheck up ka na.” Nasuntok ko pa yung pader kasi napagtanto kong imahinasyon ko lang yun.

Naman kasi. Ano bang naidulot ni Jessie sakin. Dammit. Dammit.
***
Jessie’s POV

“Saan ka na tatambay ngayon?”

“Ewan.” Nasa park uli kami, “di ba pedeng sama na lang ako sa langit ha? Ala na naman akong gagawin dito eh.”

“Hindi pwede, may due date nga, di ba?”

Katahimikan………………

“Tignan mo yung magsyota oh, ang sweet nila. Parang autistic, may sariling mundo.”

Tinignan ko naman yung tinuturo ni Peter. Oo nga, ang daming couples dun sa park. At sweet pa sila sa isat isa.ano ba naman yan. Ibinaling ko sa iba yung paningin ko.

Nakakita naman ako ng isang matandang babae…nag-iisa. “Hayan, nakakita na ako ng karamay ko.”

“Saan?”

“Yun oh.” Tinuro ko pa kay Peter yung matandang nakita ko.

Pero napanganga ako…………… at tumawa naman si Peter.

May lumapit sa matandang babae, isang matandang lalake at inabutan siya ng hotdog sandwich…

At sabay silang kumain na parang nagde-date.

“Wahaha! Nag-iisa ka na lang eh! Pfft. Haha!”

“Hayst. Makakakita rin ako ng karamay!”

And then napasulyap ako sa isang batang babae…nakaupo siya sa damuhan. Siniko ko si Peter, “yun naman oh, sigurado akong karamay ko yan kasi bata pa sya.”

“Talaga lang ha?”

At nanlaki na naman mga mata ko kasi may lumapit sa batang babae na isang batang lalake…

At inabutan siya ng ligaw na bulaklak!

“Ano ba yan! Pati bata may love life!ako na lang ata ang wala eh!”

“Asus eto naman. Haha! Don’t judge the book by its cover! Haha…pffft…haha… Porque bata walang love life? Porque matanda dapat wala ng partner? Haha!”

“Magiging single na ata ako poreber! Sad

“Hindi naman.”

“Panu mo nasabi?”

“Malay mo, meron pa dyan. O malay mo, wala ka ng mahahanap kasi mamamatay ka na.haha! Jowks!”

Poinks. “Kaw ha, imbes na damayan mo ko, pinagtatawanan mo pa ko.”

Pero tama nga naman kasi siya, malay ko ba naman kung mabubuhay pa ako. Tss.lintik na Geoff kasi yan.

Matagal pa bago kami naghiwalay ni Peter…maggagabi na siguro nun.

Di na ko pumunta kay lola sa simbahan, sesermunan lang naman nya ako.

Naglakad lakad na lang ako papuntang ospital. Maybe for the last time, makita ko yung katawan ko.
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:07 pm

[GMARTL22]

Jessie’s POV

(Come What May of Beauty and the Beast)

“♪♪♪Come what may…
Come what may…
I will love you…
Until my dying day♪♪♪”

“*sniff* panu ba yan katawan ko? Lilipad na tayo sa heaven bukas. Uwaa! Ba-bye na tayo keh ate Mylene… *sniff*”

Naramdaman kong nagkukumahog yung mga tao sa labas.

And then may mga doctor at nurses na pumasok sa kwarto.

Umiiyak naman si Mylene sa gilid habang yakap yung asawa nya. “Mabubuhay sya! Mabubuhay siya di ba?” Hysterical na si Mylene

“Bakit? Anong nangyayari? Ala? Ano?”Di ko magets yung mga sinasabi ng doctor. Basta ginagalaw nila yung katawan ko.

After a few minutes na kachurvaluhan, lumapit yung doctor keh Mylene, “guess this would be her last day. Kung suswertehin, aabutin pa siya hanggang bukas. Im really sorry pero katawan na rin nya ang sumusuko.”

What? Sumusuko? Hindi pa ako sumusuko!

Hindi nga ba?

Oo na!

Ganun ba yun? Pag masaya ako, may progress?pag malungkot, patay agad? K oh my. Pano ako magiging masaya kung ganito ang nararamdaman ko ngayon?
***
Geoff’s POV

“Where am I?” hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko, mahamog yung lugar. Malamig din ang ihip ng hangin at puti lahat ng nakikita ko. “Hello? May tao ba dyan?” Hinahawi ko pa yung makapal na hamog bago ko nakita yung bulto ng tao. Lalake.

Nakangiti sya sakin. “Hi, Geoff.”

“Kilala mo ako?” Fan ko ba to?

Tumango sya ng bahagya. “Oo naman. Kilala kita, kilala ko pati kahuli hulihang ninuno mo. At pati na rin pala si Jessie, kilala ko.”

“Ha?” at teka, may kamukha siya… sino na nga ba??

“Tama ka, ako si Peter. Mabuti naman at naaalala mo ako.”

“Ano? Di ba comatosed ka? So ibig bang sabihin nito patay na ko? Natulog lang ako ah.”

“Wish mo lang yan. Di ka pa patay, asa ka pa. Masamang damo ka. Nasa panaginip mo ako.”

Ngumiti uli siya. Panaginip daw? “Pano nangyari to?”

“Simple lang, nandito ako para liwanagan ang isip mong madumi. Linisin mo nga yan once a week. Naku naku. Kung di ko lang mahal si Jessie---“

“Mahal mo si Jessie?!” Nag-init naman agad ang ulo ko.

“Bilang friend, selos ka naman. May syota na ko.” Ngumisi siya. “Magsimula tayo sa katanungang ‘ano ang nararamadaman mo kay Jessie?”

Pinagsasabi nito? Magpapacheck up na talaga ako. “Wala.”

“May ibig bang sabihin yang ‘wala’ mo?”

“Mahal ko siya, satistfied?” Persuasive kasi yung tono nya so sinagot ko na lang siya.

“Ganun naman pala, bakit mo siya sinaktan?”

“Kesa naman ako yung una nyang masaktan pag umalis na sya.”

Lumapit sya sakin…

At…

Kinatok yung noo ko.

“Ewan ko sayo. Pero ikaw rin ang nawalan. Kung gusto mong mapabalik siya, puntahan mo siya sa ospital. Bago pa mahuli ang lahat.”

“Bakit ko naman gagawin----ahh!” Bumuka yung tinatapakan ko… “ahh!”

“Ahh!” Napabalikwas ako. Pinagpapawisan pa ako.

Ano ba namang panaginip iyon!

“♪♪♪Hoy Geoff Mandre! Gumising ka na nga! Ano ka ba? Hoy! Anong ginagawa mo? Nagse-cellphone? Gising na! ♪♪♪”

“Ahy puSangina!”

Inabot ko yung cellphone ko sa bedside table.

Incoming call, Angelie.

“Hello?”

“Hi, honey!you just woke up? Oh my!its ten am! Haha. Wanna have date with me?”

Nagdalawang isip pa ako. “Ah… o-okay.”

“Good! Lets meet at blah blah at 11:30 sharp! Bye! Mwah!”

At nawala na sya sa linya. Tss.

Di ko pa pala nabago yung ringtone ko.

Parang may pumipitik sa sentido ko. Nakakainis!ah Jessie!

Dinelete ko na yung nirecord kong boses nya…pero nirevive ko din agad.di ko kayang mawala yung boses nya sa CP ko. Kahit yun man lang.

“Argh.” Nakita ko rin kasi yung picture namin sa Baguio noon. “Pati ito, di ko idedelete.” Oh my. Panu ako makakamove on nyan kung lahat ng alaala nya, tinatago ko pa rin. Kaini na buhay oh!

At isa pa sa gumugulo ng utak ko ay yung walang kwentang panaginip na iyon.

11:30 am.

Here at blah blah resto.

Having date with Angelie na walang ibang ginawa kundi magpacute sa mga lalake doon. Walang kwentang date.

At natapos ang ‘date’ na iyon na may tumatak sa isipan ko.
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:09 pm

[GMARTL23]

Jessie’s POV

6am

I looked at my body once again…

At lumakad na ako palayo sa hospital room ko.

Mga yabag ko lang at mahinang pintig ng puso ko ang naririnig ko…

Naaalala ko pa rin si Geoff…this is goodbye.

Tss.

Naglalakad lakad lang ako at tumitingin tingin sa paligid. Ang mundong kinalakhan ko ay tuluyan ko ng iiwan. J at ang katangi tanging lalaking nagparanas sakin ng tamis ng unang halik…at nagpatikim sakin ng kasaklapan ng unang pagkawasak ng puso…ay tuluyan ko na ring iiwan.

“I will miss you, people!”

Ngumiti ako.

Bukas pa yung ulan sabi nila pero makulimlim naman ang langit ngayon.

Nagpunta ako sa simbahan mga 11am.

“Uulan ngayon,” sabi ni lola.

Umiling ako, “naku, lola, bukas pa daw. Pramis!”

“Hindi,” kontra pa rin nya, “uulan talaga ngayon.”

“Ang kulit mo din , lola…” nagdasal na lang ako kesa makipagdebate kay lola.

Krug! (di ko makuha yung right sound!)

Kumulog ba? Kulog yun?

Tanghali na so dapat mainit na,, pero hindi eh.

“Sabi ko sayo, uulan eh.,” parang batang sabi ni lola sa kin.

“Ha? Hindi maaari! Bukas pa sana to!”

Di ko na hinitay yung sasabihin ni lola, tumakbo ako palabas ng simbahan.

Pagtingala ko…

Naramdaman ko yung isang patak na dumampi sa ilong ko… hindi to totoo…

Kanya kanyang nagtakbuhan ang mga tao sa kung saan may silong.

Chuweng!

“Hoy!”

“Ha?”

Nagpalinga linga ako.

So, nasa langit na ako ngayon.

Andun si Peter sa sofa na puti, nakaharap sa TV, at alam nyo kung ano pinapanood? Tom and jerry kids. Isip bata talaga.

“Ang daya! Bukas pa dapat yung ulan ah!” Angal ko.

“Sino meh sabi?”

“Yung forecaster.”

“Hindi lahat ng sinasabi ng weather forecaster, dapat mong paniwalaan. Ano ka ba… hehe.lika, may pupuntahan tayo.”

“Saan na naman?”

“Jan lang oh, papasok lang tayo sa pinto na yan,” may tinuro sya sa likuran ko.

“Wala namang pinto kanina ah?”

“Ngayon nga meron na, ang dami mong reklamo. Tara.” Inakbayan pa nya ako at giniya sa pinto.

Pagpasok namin, nakakita ako ng dalawang papel na kulay yellow tsaka dalawang ballpen.

“Ngayon magsulat na tayo ng hiling natin… oh, eto sayo…” inabot nya sakin yung isang papel tsaka ballpen.

“Lupet ng ballpen! Violet pa ha? ang arte naman ninyo dito!”Nasiyahan talaga ako sa ballpen. So eto na yung moment na kahit mabuhay man ako o hindi, may isa pa rin akong kahilingan. Noon ko pa to naiisip eh.

At yung plinano kong hiling noon ang siyang isinulat ko sa papel…

Mas naunang natapos si Peter kesa sakin. Mukhang planado na din nya yung hiling niya.

“Tapos ka na? ilagay mo sa bote.”

“Bote?” Wala naman akong nakikitang bote ah.

“Eto oh,” at lumitaw sa isang kamay nya yung munting bote.

“Magic! Hehe.” ri-noll ko yung papel at pinagkasya sa bote. “San ko ilalagay?”

“Dyan sa basket.”

Di na ako nagtanong kung anong basket kasi alam ko namang lilitaw din yun mula sa kung saan.

At heto na nga, lumitaw nga, nilagay namin dun yung bote namin.

“Ano na ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Pumili ka ng pintong papasukan mo…”

“Pinto?”

“Sa likuran mo.”

“Wala naman pinto kanina jan ah?”

“Ineng, heaven ito kaya masanay ka na. Ahysus.”

Humarap na nga kami sa pintong sinasabi nya. parehong puti ang mga yun. Para saan ang mga iyon?

“Right or left?”

“Right na lang.” tama ba yung pinili ko?

“Engks,hehe. Mali… sa left ka.”

“Nagtanong tanong ka pa kung ikaw rin naman pala magsasabi kung saan ako papasok. Hmp. Ano bang nandyan?”

“Basta pumasok ka na lang,” tinulak pa nya ko.

“Sumama ka!” Hinila ko yung kamay niya.

“Ayoko nga! Pasok na! Ang tagal, holloween na oh.”

“Eeeee naman kasi , Peter!”

Palapit na palapit ako sa pintong nasa left side.

“Jessie…”

“Ha?” nilingon ko siya ng bahagya.

“Ano yung hiniling mo?”

Pakelamero. “Sana mabuhay ka na. Smile

“Aw. Ang sweet mo.”

“Ikaw, ano yung hiniling mo?”

“Maalala ka ng mga taong nagmahal sayo habang kaluluwa ka pa…at kabilang na ‘ko dun.”

Naiiyak ako! Sheyts! “Salamat, Peter.” So kahit mamatay pala ako, may makakaalala pa rin ng kagandahan ko.

“Bakit di mo hiniling na maalala ka ni Geoff?”

May nakahanda akong sagot dyan, “kasi maaalala siya nito…” tinuro ko yung <3 ko… “maaalala siya nito…ng puso ko.” Naiyak na naman ako.

“Pagpasok mo sa pintong iyan, mawawala na lahat ng alaala mo,”naiiyak na sabi nya.

“Wag kang umiyak! Kalalake mong tao, umiiyak ka!”Malilimutan ko si Eunice…si Peter…at si Geoff…okay na rin siguro yun.para di ko na maalala yung sakit na dinulot nya sakin.

“Mamimiss kita, Jessie…ba-bye!”

Di ko na siya liningon. Nagtungo na ako sa pinto. Hinwakan ko na yung seradura.

Eto na to.

Pagbukas ko ng pinto…

Tumambad sa kin yung puting ilaw na halos magpabulag sakin…

Pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat, narinig ko pa si Peter…

“Sabi ko sau noon, di ka magugutom… wala kang mararamdaman…

Pero anong nagyari? Unang araw pa lang… nakadama ka na ng saya…

Nakadama ka na ng inis…

At ngayon, nagmahal ka… ibig sabihin, unang araw pa lang… nagawa mo na.

At si Geoff, sa oras na tinaggap nya yung obligasyong pinataw mo sa kanya, pinahalagahan ka na rin nya…

Nagawa mo, Jessie… nagawa mo.”

At tuluyan na akong nabingi ng katahimikan.
***
Geoff’s POV

Nagpunta ako sa ospital mga 6:30am… kahapon pa sana ako pupunta pero nag-isip muna ako.

Pagpasok ko sa kwarto, parang may nagsasabi sakin na nanggaling na doon si Jessie…asan na siya? I need to apologize…malaki ang kasalanan ko sa kanya.

“Sabihin mo na lahat ng dapat mong sabihin…” humagulgol si Mylene, “mawawala na siya mamaya sabi ng doctor.” Patuloy lang siyang umiyak at tumakbo palabas. Baka magtungo na naman sya sa chapel.

Naupo ako sa tabi ng katawan ni Jessie…hinawakan ko yung kamay nya.

“Hey. Asan ka na? Bat ka kasi umalis? Sana kinulit mo ako. Sana ginising mo pa ako. May sasabihin ako sa iyo…mahal kita. Oh nasabi ko na ha? Mas mabuti sana kung andito ka, mahal na mahal kita. Walang nangyari sa min ni Angelie… noon , oo, pero ngayon, wala…”

“So bumalik ka na ha? Pag nabuhay ka, pakakasalan kita. At hindi yung si Peter yung sinasabi mong pakakasalan mo, dapat ako yun.”

Tumawa ako ng pagak.

Nakikipag-usap ako sa wala. Tss.

Ilang oras pa ako dun.

“Hoy, Jessie, gumising ka na. Umuulan na sa labas oh? Di mo maeenjoy yung unang ulan ngayong taon!” Para sakin hindi maganda yung ulan.

And then pumasok na yung mga nurse… kasunod nila si Mylene.. “Sorry po, sir pero kelangan na pong tanggalin yung life support nya.”

“No! Wag muna!” Susuntukin ko na yung nurse eh! “Mabubuhay sya, miss. Promise yun! So pls! wag muna!”

“Geoff, alam kong masakit rin pero wala na tayong magagawa…” sabi kin ni Mylene.

Isinubsob ko yung mukha ko sa kamay ko… “this cant be happening…”

natanggal na yung life support.

“This cant be happening!”

Hindi ako yun ah! Napamulat ako at nakita kong shock na shock yung mga nurse…

At nakita ko si Jessie na napasinghap na parang kagagaling lang nya sa pagkalunod.

“Oh my god! Oh my god!oh my god! Buhay ka , Jessie!” Paulit ulit na sabi ni Mylene habang yinakap na si Jessie kahit ganu pa siya pigilan ng mga nurse.

“Miracles happen,” sabi nung doctor. “Youre lucky.”

Sakin ba nya sinabi yun??

Matagal bago nagsink in sa utak ko na ‘buahy si Jessie’…

Lumapit ako…mabagal ah.

“J-Jessie,….” Di ko alam kung tatalon ba ako sa tuwa o ano.

Nakakunot noong tumingin sya sakin…

At…

“Sino ka?”
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:10 pm

[GMARTL24]

Jessie’s POV

Tatlong katanungan lang ang nasabi ko nung magising ako sa mahaba’t mahimbing na pagtulog.

Una: “Ate buntis ka?”

Pangalawa: “Ate, sino siya?” Tukoy ko sa ‘asawa’ daw ni ate.

At pangatlo: “sino ka?” Para sa lalakeng feeling close na nakipagunahan pa keh ate Mylene sa pagyakap sa akin nung magkaroon ako ng ulirat.

Sino ba siya? Kahapon lang ako nagising at sya na agad yung nabungaran ko…tingin tuloy ng mga doctor eh nobyo ko siya. Please lang naman!katatapos lang ng sakit ng ulo ko kay Jimmy kaya imposibleng pumulot uli ako ng baton a ipinukpok sa ulo ko.

“Jessie, ito oh, prutas… okay daw to sayo sabi nung doctor mo,” alok na naman ng lalake. Kahapon, bumili sya ng bungkos ng bulaklak na nilagay pa nya sa vase at talagang nilagay pa niya sa bintana. ‘Geoff’ daw ang pangalan nya.

“Ah… eh… thank you,” at napangiwi na lang ako ng lihim.

After eight days na pag-o-observe sa kin ng mga doctor na parang mikrobyong di pa nadi-discover, lumabas na kami ng ospital. And guess what, kasa-kasama pa rin naming yung lalakeng di ko kilala pero parang kilala ni ate.

“Talagang di mo maalala si Geoff?” To the nth time na tanong sakin ni ate Mylene.

Pati sya ay hindi makapaniwalang di ko raw kakilala yung si Geoff, “nope. Artista ba sya? O baka naman ambassador? Hmmm? Or baka naman---“

“Nakita ka raw nya noong kaluluwa ka pa.”

At wala akong ginawa kundi humagalpak na naman ng tawa plus rolling in the floor pa ako. Kalokohan talaga.

One day, niyaya naman ako ni Geoff…ewan ko kung saan kami pupunta.

“This is my house,”anunsiyo nya. nasa harap kami ng two-storey house na halatang pag-aari ng mayaman.

“Eh?” Agad kong pinag-cross yung kamay ko sa tapat ng dibdib ko, “kuya, wag po.”

“Haha. Youre really funny. Come inside.”

Ah ganun? Tinanggihan niya ang alindog ko?

Giniya nya ako papasok sa loob ng bahay. May bata doon, at isang asong itim.

“Tita Jessie!” Tumakbo palapit sakin yung bata at yumakap sa kin. Lumapit din yung aso na kumakawag pa yung buntot, “tapos na po ba yung laro nyong ‘kunwari-di-nyo-ko-nakikita’?”

Laro? Ni minsan ay wala akong nilarong ganun ang title. At saka, sino ba tong batang to? Weird. Naging artist aba ako nung comatosed ako?

Pero parang pamilyar sa kin yung bata… yung aso… yung bahay… si Geoff…

“Eunice, your tita Jessies not feeling well, so lumabas muna kayo ni Whity ha?”

Sumunod naman yung bata sa iniutos ni Geoff.

“Whity? Ang tindi naman ng sayad sa ulo ng nagpangalan sa itim na asong yun,”komento ko.

“Gusto mong malaman kung sino nagpangalan sa kanya?”

“Hmm? Sino?”

“Ikaw.”

“Ako? Panung ako? May sayad ka din ata eh. Neutral

“Nah. Halika sa taas,” nagpatiuna na syang umakyat. Sumunod ako sa kanya, “ito ang kwarto ko.”

“Ah, maganda sya. Parang di kwarto ng lalake kasi maayos siya,” sinuri ko pa yung kwarto.

Narinig kung bumuntong hininga sya, “magulo nga dati yan eh. Kaso naging maayos na… mula ng… mawala ka.”

“Ha?” stage 1000 na yata ang sayad nitong si Geoff, “panu naman ako mawawala dito eh never pa naman akong nagpunta dito.”

“You used to jump on top of my bed… you used to sing for me… you used to make me laugh… you used to make me fall in---“

“Taym pers muna!” Pumipitik yung sentido ko.

“You really don’t remember me, do you?”

Ano nga bang nalalaman mo , Jessie? Tss! Magisip ka dali! “I…really don’t know. Parang oo pero mahirap paniwalaan… kasi pag naaalala kita… sakit ang nararamdaman ko.”

“Im… sorry…”

“Nasabi mo na yata sakin yan noon… at parang masakit marinig… parang napakasakit para sakin yung dalawang salita na yan. Sino ka nga ba , Geoff?”

Tumakbo na ako palabas. Narinig ko pa yung pagtawag nya sa akin pero di ko na sya liningon.

Sino ba sila? Anong naging parte nila sa buhay ko?

Naramdaman kong nababasa yung pisngi ko. Tumingala ako. Di naman umuulan…sh*t umiiyak ako! “Ala, ano bang nangyayari sakin?”

“Nagmamahal ka lang.”

Paglingon ko, may nakita akong lalakeng saksakan talaga ng gwapo. Sino naman ito? Patuloy pa rin sa pag-agos yung luha sa pisngi ko.

“Sabi ko, tutulungan kita, di ba?”

Tss! Di ko na sila maintindihan!

“15 days kang nakibaka para sa buhay mo. At sa 15 days, nagmahal ka.”

“Sino ka ba?”

“Peter.”

“Peter?” May pumasok na naman sa alaala ko. Daig ko pa ang na-amnesia! Pamilyar naman sakin tong lalakeng to. Di ko lang alam kung saan at paano ko siya nakilala. Wala naman akong social life bago ako maaksidente kaya imposibleng nakilala ko sila sa party o kung saan man possible.

“Di mo talaga ako nakikilala? Ako yung nag-chu-‘chuweng’ noon bago ako mag-appear sa harapan mo.”

Warning signal.

And I passed out.
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:11 pm

[GMARTL25]

Jessie’s POV

“Nasaan ako?”

“Nasa langit ka.”

“May mission ka.”

“Isang tao…isang dahilan…at babalik ang dati mong buhay.”

Umaalingawngaw sa utak ko yong boses na yun.

“Jessie!” Isang lalake na mukhang galit iyon, “wag kang tumalon sa kama ko!”

“Tita Jessie!” Paslit naman ngayon, “laro tayo dolls ko!”

“Arf arf!rawr! arf!” Bat may aso?

“Misyon muna bago landi , Jessie,”ohlala!sino to?

“Baka magsisi ka rin,” matandang boses naman ngayon, “tanungin mo muna.”

“Err, why don’t we try it at your room , Geoff?”

“Geoff…”

Geoff…

Geoff…

Jessie…

Jessie…

Napabalikwas ako ng bangon.

“Oh, Petriatico, gising na tong kaibigan mo!” Isang magandang babae ang nakita ko. Pumasok yung lalakeng kausap ko lang kanina bago ako mawalan ng malay.

“Gising ka na pala,” nakangiti yung lalake.

“Ikaw si Peter. Ikaw yung muntik ng maging naghel. Ikaw nga!”

Ngumiti uli siya, “ako nga.”

“Naku, Palits! Kayo na nga ang mag-usap! Pareho kayong malalim ang hukay sa utak,” lumabas na yung babae.

“Sya si Natasha di ba? Ow. Naaalala ko na rin sya.”

“So naaalala mo na yung ‘chuweng’ ko? J”

“Yung parang teleporter? Astig! Tss. Pero paano? Kala ko panaginip lang yun?”

“Engks. Hindi kaya. 16 days kang nanggulo kay Geoff, naaalala mo rin ba yun?”

“Nanggulo ba ako? Ang sama ko naman.”

“Haha. Hindi naman ‘masyado’. Nakatulong ka rin naman. Napagmove on mo siya.” May nilabas sya mula sa kung saan, magazine pala iyon, “kita mo tong babaeng to? At etong lalake? Yan si Mitchie, ex ni Geoff.at ito naman si Dereck, jowa ni Mitchie na pinampalit nya kay Geoff. Bitter si Geoff pero dahil nanggulo ka nga, nalimutan ni Geoff si Mitchie.”

“Happy ba ang ending namin ni Geoff? Para kasing hindi eh”

“Hindi talaga. Pero kung tatanggapin mo siya uli, magiging happy. Gaya namin ni Nutella.”

Tatanggapin ko ba? Ayaw ko yata. Sheyts ano ba naman kasi yan. “Aalis na ako.”

“Oh, saan ka na pupunta? Aayain mo ng gumawa ng baby si Geoff? Sabagay---------“

Pinanlakihan ko siya ng mata. “Kung anu ano yang lumalabas sa bibig mo. Magiisip lang ako noh.”

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sina Mylene at yung asawa nya sa sala, nanonood. Di naman na nila ako tinanong kung saan ako nanggaling.

Kumain na lang ako at natulog.

Sleepy head....


“Jessie.”

“Geoff? Anong ginagawa mo dito? ---oooppp---ooopppsss! Anong binabalak mo?” Lumayo ako ng konti, lumalapit kasi yung mukha nya sakin.

“Ggaaahhh!” Para akong sumisid sa kailaliman ng dagat at nawalan ng hininga nung magising ako. “Ahyst. Shet na malagket naman.” Tapos unti unti akong napangiti, “sayang hindi natuloy. Hihi.”

“Uy baliw,” si ate Mylene yun, kumatok pa siya bago sumilip, “nasa labas si Geoff.”

“Ah okay.”

“Ayos din itong manliligaw mon ha. Walang palya.”

“Walang palya sa pakikikain ng breakfast kamo. Haha.” Umalis na si ate.

Talaga naman complete attendance si Geoff sa pakikikain sa bahay mula ng lumabas kami sa ospital.

Eh sa mapang-asar ang kapatid ko, nung isang araw ay sunog na sinaing at tuyo ang iniharap samin. Pigil ako sa pagtawa nun kasi wala namang angal si Geoff kahit halata namang hindi sya sanay sa ganung pagkain.

Naghilamos lang ako at tinali yung buhok ko pataas ng hindi pa ako nakapagsusuklay. Imagine’in nyo na lang na parang sumasabog na fountain yung buhok ko.

“Hi.” Nakangiting bati sa kin ni Geoff. Well aaminin ko, gwapo sya. Mukhang simpatiko tapos lagging nakakunot ang noo. Pero kapag nakatingin sya sa kin, all smiles naman siya.

“‘Morning,”nakangiti na rin ako.

Nung kumakain na kami, nagpaalam akong magsisimba.

“Sasama ako,” si Geoff

“Wag na, baka gumuho pa ang simbahan pag sumama ka.,”siniko ko pa siya.

Lumungkot yung mukha nya. aw look at that, nakakaawa naman.

“Eh di magpapatayo ako ng bago.”

Yehrayt. Mayaman naman kasi kaya madali lang yun para sa kanya. K

“Isama mo na kasi,” susog ni ate.

No choice tuloy ako. Isasama ko na talaga sya kahit labag na labag sa kalooban ko.

So, naligo na ako at nagbihis.

Paglabas na paglabas namin ay nakita namin yung mga kabataan na nakakumpol sa poste ng meralco malapit sa bahay. Impit na nagtilian sila ng batiin sila ni Geoff ng ‘good morning’. At pinakamalakas ang tilian ng mga bading dun. Hanep talaga ang karisma ni Geoff.

Nilakad lang namin papuntang simbahan.

“Lagi ka na lang sumasama sakin,” sermon ko keh Geoff, “panu pag may magpapasabog ng bomba dun? Eh di patay tayo pareho? Tss.”Mas nauuna akong maglakad at nasa likuran ko lang si Geoff.

Feeling ko walang nakikinig sakin, lumingon ako. At may kausap na dalagita ang magaling at kalahating si Geoff. Pa-cute ng pa-cute yung dalagita. Agad naman akong lumapit.

“Ah hihi... thank you...sabi nga ni mama maganda ako...hihi...” panay ang hawi ng babae sa buhok nya, iniipit nya sa likod ng tenga nya.

“Ah ganun ba, nene?” Diniinan ko pa talaga yung nene. Mukhang disisais lang kasi siya, “sabi lang ng mama mo yun para di ka masaktan. Gusto mo bang marinig ang totoo mula sa mama mo? Ganito kasi yun pag sasabihin nya sau,”I cleared my throat, “’anak, di ka naman kagandahan. Makinis lang ang kutis mo. Sa katunayan, pandak ka rin kaya wag ka ng mangarap.’ Okay na?” at inirapan ko siya. Hinarap ko naman si Geoff. “Ikaw ha, magsisimba tayo kaya magpakabait ka naman!”

Nagmartsa na naman ako. Naiiyak pa yung babae kanina. Aba! Naniniwala naman siya kay Geoff. Eeee! Ang sarap tirisin ng lalakeng yun!

“Uy. Selos ka naman agad.” Nakasunod na pala sakin ang magaling na si Geoff.

“Sana sinabi mong makikipaglandian ka pa para hindi ko kinausap ang hangin. ,” hinampas ko siya sa balikat, “kainis ka!”

“Haha. Nagtanong lang naman sya kung maganda yung ayos nya eh.”

Hindi ako umimik.

“Gusto mo mag-mcdo tayo pagkatapos ng misa?”

Ang cheap nya ha? “Wala si Mcdonalds, nagpa-laundry ng damit.”

“Eh Jolibee?”

“Wala rin. Di-nate nya si Hetty. Mangongolekta pa sya ng nectar mamaya.”

“Oh.”

“Naniniwala ka sa mga sinasabi ko?” para kasing naniniwala siya kasi tumatango tango pa sya.

Ngumiti sya, “oo naman. Basta sinabi ng taong mahal ko, papaniwalaan ko.”

Napaubo naman ako, “ang sabe?” Ubo ulit. “Ikaw ha, joker.”

“Di ka naniniwala?”

“Hindi. Pinagloloko mo ko eh.”Ahw ! Kill me na! Now na! Kinikilig ako..eee!

“Bahala ka.”

Kahit nung makapasok na kami sa simbahan ay may nakapaskil siyang ngiti sa labi na parang nagsasabing “may gagawin akong kalokohan mamaya”

Sa likuran kami pumwesto kasi wala ng mauupuan sa harap. Katabi namin yung matandang mukhang nilalayuan ng lahat.

“Dito ka na lang,” sabi ni Geoff na halata naman na nilalayo rin nya ako kay lola.

“Pag ikaw naging ganyan 50yrs from now, lalayuan din kita. Dyan ka na lang, dito ako sa tabi nya.”

Medyo nakakalayo na rin yung misa nang...

“Ikakasal ka na rin,” sabi ni lola.

Lumingon lingon pa ako. baka may kausap na kaluluwa si lola at naupuan ko lang. “Ho? ako po ba?”

“Sabi ko na nga ba’t magagawa mo rin.” Sa harap lang nakatingin si lola.

Nilingon ko muna si Geoff na busy sa pakikinig sa sermon ng pari. “Ano po ule , lola?” Alam din ba ni lola yung tungkol sa nangyari sakin nung ‘lost soul’ pa ako?

“Aba hindi panaginip yun. Totoong nangyari yun at saksi ako dun.”

Great. Mind reader si lola.

“Jessie,” dinutdot pa ni Geoff yung braso ko, “punta lang ako sa harap.”

“Ha? teka-----“ nakaalis na siya, ni di man lang nya ako nilingon. Ano naman kaya ang gagawin niya sa harap? Patapos na yung misa eh..or mas dapat sabihing nagbibigay na lang ng notes yung pari at nag-aalisan na ang ilan.

“Sabi ko sayo eh.”

Nagsasalita na naman mag-isa si lola.

“Good morning to everyone. –ehem- Im sorry if magugulo ko kayo...”

o.O

O.o

O_____O

Anong ginagawa ni Geoff sa harap?!!!!!!!!!!!!!???

>_<

“Ive been waiting for this day to happen. J it’s the right time, eh? Sorry but im not good with words. Di ko rin alam kung tama ba tong ginagawa ko.”Nakatayo si Geoff sa tabi ng pari na ngiting ngiti.

‘Anong problema ng yummy guy na yan?’

‘Don’t know sis, pakinggan na lang natin.’

‘Baka manghihingi ng tulong.’

‘Ahy baka nga. Bat di na lang sya lumapit sakin?’

Naghagikgikan pa ang dalawang bakla na nag-uusap sa harap namin ni lola.

Pagnasaan pa daw si Geoff.

-_-

“Eto na nga.” Huminga ng malalim si Geoff. “I want to call Ms. Jessica Antonio in front...please.”

‘Jessica Antonio raw.’

‘Ahy bakit wala atang Jessica dito?’

‘Ako na lang pupunta.Kunwari ako si Jessica.’

Usapang bading na naman.

Pa-whistle-whistle pa ako na biglaang nagkaroon ng interes sa kisame ng simbahan. Tumitingala pa ako.

“Jessica ‘Jessie’ Antonio. Please... “

Oh please , lupa, lamunin mo na ko, dali!

Nakatingin ng diretso si Geoff sa kin.unti unti namang lumingon yung mga usisero’t usisera. Para hindi halata, lumingon na rin ako sabay sabing: “sino ba yang Jessica na yan? Ang bingi naman.”

“Hay naku sister, wala ng tao sa likod kaya sure-laloo ako na ikaw ang tinatawag ni yummy guy. Goralets na,” sabi nung bading na may paru-paro pa sa ulo.

Nasundan pa ang hikayat na yun ng “sige na kasi, miss.”...”punta ka na” at marami pang iba.

“Anak, ikaw rin ang mawawalan,” si lola.

Pikit-matang naglakad ako papuntang altar.

Para na akong bibitayin. Lagot sakin tong Geoff na to pag nakalabas kami dito sa bahay ni Lord.

“Thank you.” Sabi pa ni Geoff, hawak pa rin nya yung mic kaya naman nabro-broadcast yung sinasabi nya. pansin ko rin na dumadami na ang tao sa loob ng simbahan.

“Anong drama to? Kung anu ano pinapauso mo ha,”mahina ngunit mariin na sabi ko.

“Sabi ko nga, this is my chance...”

O_O

(O)_____(O)

Walang sabi sabing lumuhod si Geoff.

“Ahyst! Tumayo ka nga! Wag kang ganyan!”Broadcasted.

‘Wow ang sweet.’

‘Witness pa si Lord.’

‘Ang swerte ng babae.’

‘Gwapo din naman ang lalake.’

Kanya kanya ng bulungan ang mga tao. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko na bumulong yung pari sa pinakpinakamalapit na seminarista.

“Jessica ‘Jessie’ Antonio...” inhale...exhale...smile... “will you be the grandmother of my grandchildren?” Mula sa bulsa nya, may nilabas syang gold silver na singsing, parang twisted tapos may maliit na diamond sa gitna.

“Grandmother agad?” Kaloka talaga tong si Geoff. Wala pa nga kaming anak, magiging lola na agad ako?

‘Yes!’

‘Oo na.’

‘Dali kasi!’

‘Oo na yan. halata naman.’

“Jessie, will you marry me...and join me til I die?”

“Ngayon ‘die’ naman?” Anong isasagot ko?? Di ko pa nga siya naaalala ng tuluyan eh tapos kasal na agad tong kinasusuungan ko?! “Okay deal na!”

Nagdiwang lahat ng nandun.pati si Father ay napatalon sa sobrang galak.

With these people...and God as our witness...

He kissed me on my lips.

And I remember this guy’s kisses.

Will I regret?
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:12 pm

[GMARTL26]
Jessie’s POV

“Alam mo, kanina pa ako nahihilo sa iyo. Baka mapairi pa tuloy ako ng wala sa oras eh. Umupo ka nga rito.”

“Ate,” tumigil ako sa pagpaparoon at parito, “tama ba ang ginawa ko? Tama ba yung naging desisyon ko? Psshh...” sabay kagat sa mga kuko ko.

Nagtaas ng kilay si ate Mylene, “ako ba ang magpapasakal----pffttt...kasal?”

“Nagpadalus dalos ba ako masyado?”

“Ako ba ang sumagot ng ‘oo’?”

“Thank you for your support.” Inismiran ko siya. Umupo ako sa tabi niya at kinulong ang mukha ko sa mga palad ko, “Gosh. 23 lang ako.”

“Kooh. Nasa tamang edad ka na. dapat lumandi ka na noon pa eh,” at absent-minded na binatukan nya ako kaya halos mapasubsob ako sa walang carpet kundi sementong sahig namin. “Ops.sorry...hehe”

“At may balak ka pa yatang burahin ang ilong ko eh,”napuruhan talaga ang ilong ko. Feeling ko tuloy pumaloob ang matangos kong ilong. “Makaalis nga muna.”

“Saan ka pupunta?”

“Dyan lang sa tabi tabi.”

Di na ako pinigilan ni ate. Pupunta lang ako kay Geoff. Baka kasi lumalandi siya pag nakatalikod ako eh, mahirap na. nung isang lingo lang niya ako niyayang magpakasal at ilang araw na rin akong di makapagisip ng matino kasi laging umuukilkil sa isipan ko kung tama ba yung pagpayag ko. Lalo na ngayon at di na nagpaparamdam ang walanghiyang si Geoff.

Lakad...

Hop...
Hop...

Lakad...

Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao. Saan ka ba naman kasi nakakita ng babaeng nakadress, dollshoes at shades na patalon talon pa habang naglalakad? Tss.

Pagdating sa bahay ni Geoff...

Nagdoorbell ako... doorbell pa kasi walang sumasagot... doorbell...

“OO na, nandyan na...” si Marie, ang katulong, ang nagbukas ng gate para sa akin, “Kayo pala Mam Jessie,” kilala na nya ako kasi pinakilala na ako ni Geoff noon pa. mukhang asiwa ang ekspresyon nya.

“Nandyan ba sya?” pasilip silip ako sa loob. Wala yatang balak tong chimay na ito na papasukin ako. ang liit lang ng pagkakabukas nya ng gate at halatang sinasarahan nya lahat ng siwang na maaari kong silipan. Sipain ko to eh. “Pwedeng pumasok? Nakabara ka kasi sa daraanan ko eh.” At ako na mismo tumulak sa kanya.

Dire diretso ako sa pagpasok sa loob.

Walang tao sa sala...

“Maam, ano po kasi...”

“Ssshh Marie. Kukumustahin ko lang naman eh.” Talagang sinusubukan ako ng chimay na to ah. Sa kusina naman ako pumunta.

Wala pa ring tao...

“Aahh. Sa kwarto ba?”

“M-maam...”

Di na nakasunod pa sa akin si Marie nung pumanhik ako sa itaas...

Nakahanda na ang pagkatok ko sa kwarto nung marinig ko yung naguusap mula sa kwarto...

“Ahaha, looks good aha? Wanna try it?” boses babae yun. At parang............


Boses ni Angelie! Ahhh!



Sunud sunod na pagkatok ang ginawa ko na halos ikagiba ng pinto.

“Ah shit! Marie, I told you not to disturb us!”

Isang galit na galit na Geoff ang bumungad sa pagmumukha ko kasunod ang makapal ang make-up na si Angelie.



“Hello, fiancé” bati ko sa napamulagat na si Geoff, “hello, malanding ex ng mas malanding fiancé ko.”

Mariin ang pagbibitiw ko ng mga salita.

“ahm...” nahimasmasan na marahil si Geoff, “ah. Jessie. Si Angelie---“

“Kilala ko. Wag mong sabihing sya ang substitute ko kapag di ako umattend ng kasal?”ah nakakainis!

Napatawa si Angelie at namula si Geoff, “Oh come on girl. I know naman na mas maganda ako sayo noh pero sayo na si Geoff. Promise! Im just your wedding gown designer. Cake designer. Reception designer at lahat na ng klase ng designer jan. Ok?”

Di pa rin natatanggal ang pagkakakunot noo ko nung harapin ko si Geoff. Tumango siya sa akin. Napahiya naman ako..

Pero naisip ko na lang na may karapatan pa rin ako magalit kasi di niya sinabi na si Angelie ang kukunin niyang designer. At teka...di ba model lang si Angelie?!

“Come on in, Jessie, para naman malaman mo na ang mga detalye.” Inalalayan pa ako ni Geoff. Umupo kami sa kama habang si Angelie ay naupo sa single sofa.

“2 months from now ang kasal niyo. Rush lang to pero okay na rin naman kasi money talks naman eh, ang kulay ng gown mo, parang pinkish sya-----“

“Bakit pink?”di man lang nila ako tinanong kung ano ang gusto kong kulay!

Si Geoff ang sumagot, “sabi kasi ni Angelie na maganda daw iyon para sa iyo.”

Tumango na lang ako pero di pa rin ako payag dun.

“Tapos 8 layers lang ang cake na floral design---“

“At bakit 8? Di ba masyadong mataas naman?”

Si Geoff na naman, ”mas maganda na rin daw kasi yun ... para kahit rush, special pa rin.”

“Sinong nagsabi?”

“Si Angelie.”

“Right. Ako nga. Oh eto pa, ang design sa reception is parang pink and blue flowers. Ganun din ang entourage nyo----“

“Hulaan ko, ikaw na naman ang nagsabing maganda noh?”

“Uh-uh. Isn’t it cute?”

Tumayo na ako. “Mukhang di naman pala ako kailangan dito eh. Tapos kayo na rin pala ang nagplano ng lahat lahat ng akala nyo ay maganda kahit hindi naman pala.”

Naglakad ako patungong pinto, bago ako lumabas ay hinarap ko sila, “ahy oo nga pala.

Bakit di na lang kayo ang magpakasal para MAS MAGANDA?”

Pabalibag ko pang sinara ang pinto.

Kaya pala ayaw akong papasukin ni Marie kanina.

Psshhh. Nakakapanginit ng ulo.
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:13 pm

[GMARTL27]

Jessie’s POV

May narinig akong ugong ng tumigil na sasakyan sa labas, takbo agad ako sa bintana...

Para lamang madismaya.

Balik uli ako sa kinalalagyan ng telepono na maghapon ko ng tinititigan.

“Oh, sino yun?” tanong ni Ate Mylene na lumabas mula sa kwarto nila. May hawak syang palanggana na kinalalagyan ng labahin. Kami lang dalawa sa bahay kasi nagtrabaho ang asawa nya.

“Wala, ate,” *inhales*

*exhales*

“Kanina ka pa pabalik balik sa bintana ah,” puna nya sakin.

Talaga naman. Kanina pa ako patakbo takbo sa bintana sa pagbabakasakaling makikita ko si Geoff. Oo si Geoff. Si Geoff na walang pakealam sa akin. Si Geoff na kalandian ni Angelie. Si Geoff na nagyayang magpakasal sa akin. At si Geoff na di na nagpaparamdam for two weeks! Uuuuwwwaaaaa!

“Puntahan mo na lang kasi. Naku.”

“Ayaw, ate.”

“Sige ka, walang kasal na magaganap pagkalipas ng isang buwan at dalawang lingo. Tss. Bahala ka nga jan.”

Umalis na si ate papunta sa likod bahay.

“Ahhh. Naman kasi! Brrr.” Napalo ko tuloy ang mesa na kinalalagyan ng telepono. At dinala ko sa labi ko yung nasaktan na daliri ko.

“♪♪♪It’s a problem free
Philosophy!
Hakuna matata....
Awooooo!♪♪♪”

“Ringtone ko yun ah!” tumakbo agad ako sa kwarto ko kung saan naroon ang cellphone ko.

Tumama pa nga ang tuhod ko sa gilid ng kama kaya napalugmok ako. pakapa ko na lang kinuha yung phone ko sa taas ng kama.

“Hello? Aray... pssh...”

Walang sumasagot.

“Hello... yuhooo?”

Tahimik pa rin.

“Hoy ikaw ha!” perv-rt! Murain ko na to eh! Di pa rin sumasagot. Tanging ‘bzzzzz’ lang ang naririnig ko.

“Isa, sasagot ka hindi?” tinignan ko ang screen ng phone, unregistered number naman. Sino kaya tong loko lokong to?

In-off ko na lang.

Tumawag na naman ang loko.

“Ano ba?” asar na talaga ako.

“Jessica!”

Eh? “Who you po?” text lang?

“Si Peter to. Hehe. Bat mo naman ako binabaan?”

“Eh paano, niloloko mo ako! Psh. Kelangan? Dali! Busy ako,” tinignan ko ang mga daliri ko. As if I'm really busy.

Narinig kong exaggerated syang bumuga ng hangin. “Busy daw. Saan naman? Sa paghihintay kay Geoff?”

“At paano mo nalaman aber?!”

“Eh wala ka kasing mahihintay. Hahaha.”

“Peter, ano ba, sabi ko ng wag na eh!” boses yata ni Natasha yun at mukhang nag-aagawan sila sa aparatong hawak ni Peter.

“Peter, anong sinasabi ni Natasha?” tug tugsh. Tug tugsh. Tug tugsh.

“Peter! Akin na sabi yang cellphone ko eh!”

“Jessie, punta ka dito sa mall dali.... dito sa ‘ewan’ restaurant-----“

Busy tone.

Anong sinasabi ng lalakeng yun? Pssh

Wala naman sigurong mawawala kung pupuntahan ko nga, hindi ba? At para na rin makapagliwaliw ako.

Nag-ayos na ako.

Nagpaalam kay ate Mylene.

At sumakay ng jeep na papunta sa mall.

“Ewan restaurant... where are you....” bulong ako ng bulong... kung bakit ba naman kasi hindi alphabetically arrange ang mga establishments sa mall! Brr!

“Jessie!”

<_<

>_>

^_^

Hayan! Nakita ko na si Peter. Gumanti ako ng kaway. Alangan naman ang ngiti ni Natasha sa akin.

Lumapit ako sa kanila.

“Oh, baket? Problema? Malaki na ang tiyan ni Natasha ah... ilang buwan na yan?” intro ko.

“Eh, ha, seven pa lang...”

“Tingin ka dun...” tinuro ni Peter ang bandang kaliwa ko.

“Anong me---ron---dun...” pabagal ng pabagal ang pagkakasabi ko.

It’s Geoff.... with Angelie... eating together.

Pinilit kong tumawa, “ano ka ba, Peter! Malay mo naman, baka naman nagkasabay lang.”

Peter shrugs his shoulder.

One step to Geoff...

Another step...

Last step na... ahh. Pumasok ako sa restaurant na kinalalagyan nila... sa mismong harap ng mesa nila. “H-hi...” sh*t. Pumiyok pa ako. Ano ba naman!

Napatingin sila sa kin... no guilt in their eyes. “Hi, Jessie!” si Angelie sabay straw ng lemonade.

“Saan kayo nanggaling?” wag niyong sabihing nagpatahi na kayo ng gown niyang si Angelie.... AAHHH!

“Ahm, nagpunta kami sa boutique, nagpasukat ako ng gown.” Plus smile si Angelie.

“Gown? Gown mo? Para sa kasal?”

“Yah. Para sa kasal ni Geoff.”

“Ah. Best wishes.”

Walk out na.

Psssh. Nagpasukat na sila ng gown para kay Angelie? At ako hindi pa?

Anong ibig bang sabihin nyan---? Oh my! Sh*t.
***
Geoff’s POV

“Ok na ba?”

“You know what , Geoff, I can't understand you na talaga. At the very first second, nagpropose ka sa kanya. And now, youre making youre wedding a secret.... to your own bride! Damn! You're really a sh*t!”

I chuckled. “Kita mo namang nagseselos siya sayo, but then di kita pwedeng pabayaan kasi you're the best wedding coordinator... ever! And I just want the best for her.”

“Nah. I just wish you luck na sana after nitong ginawa mo, umattend pa sya sa kasal ninyo kahit na ang akala niya ay ako na ang bride mo. Tss”
***
Jessie’s POV

“Uwaaa! Ate kasi!”

“Ano ba naman yan, Jessie, dalawang lingo na ang nakakalipas mula ng mahuli mo sila, di ka pa rin ba nakakamove on? Nakakahiya ka na sa kapitbahay. Baka ireport ka na nila sa barangay nyan...” sabay hagod ni ate Mylene sa likod ko.

“Ate.... *sniff plus punas ng tissue sa ilong* paano na yan... dapat kami ang ikakasal di ba? Dapat kami di ba?”

“Sana...” pause...”nga pala, Jess, may natanggap pala akong invitation.”

“Kanino? Patingin nga?”at may time pa talaga akong makitsismis sa kung ano mang invitation na iyon. “Uwaaa!”

“Oh, tahan na...”

Here how’s the invitation goes.

"Dear Jessie,
You are cordially invited to Mr. Geoff Mandre’s wedding with a unknown lady who will be revealed at the church. Thank you!
-Geoff"

Handwritten pa ang pangalan ko. Ang sama!

“Ate, tignan mo? Unknown daw! Uwaa! Si Angelie na iyan for sure!” sniff sniff

“May kasama pa yan oh,” mukhang di ako pinakinggan ni ate. Binubuklat nya yung kahon na kasama dawn g letter na yun, winagayway pa nya sa harap ko yung parang dress na kulay light blue na hanggang tuhod lang. “Ang ganda oh! Naman! Sosyal.”

“Tingin nga ako.” Maganda nga. Tinignan ko lahat ng detalye ng damit. “Wala na ba jan? may kulang dito oh,” parang may kulang talaga sa ibaba ng bestida. May connector kasi sa likuran nyun.

“Wala na.”

At tinipid pa talaga ako nila ng tela!
***
Jessie’s POV

1 week....

2 weeks....

3 weeks...

A month na ang nakaklipas pero di pa rin nagpaparamdam si Geoff.at syempre, ako din. Wala akong balak kausapin sya. Wala talaga!

Pero ngayon na ang araw SANA ng kasal namin. T_T

“Jess...”

“Ate...”

“Magbihis ka na! Ano ka ba!?”

Nakadamit pambahay pa rin kasi ako. alas otso na ng umaga eh alas-nuwebe ang umpisa ng kasal. Kasal nina Geoff at ni Angelie. “Ayoko. Di ako masokista.” Di ko na naman maiwasang umiyak.

“Oh come on , sister! Di ka naman ganyan ah.”

“Noon.”

“Sayo si Geoff okay??”

Sayo si Geoff...

Sayo si Geoff....

AKIN NGA SI GEOFF!

“Akin nga si Geoff!”

Sa apat na salitang iyon ay napursue akong magbihis agad.

Ginamit ko yung dress na binigay sa akin... syempre nagmake up rin ako para maganda ako kapag sinabi ko ang mga katagang “ITIGIL ANG KASAL!”

“Alas nuwebe na!” nataranta ako. Si ate kasi!

“Okay! Wala pang tricycle! Ano ba! Makisama ka naman, tadhana!” nag-grrrr pa ako sa langit.

At nang may dumating na tricycle, yun pang 50-50 ang takbo.
***
Geoff’s POV

“Geoff, wala pa siya!” pasulyap sulyap si Angelie sa labas ng simbahan, hawak niya ang notes nya kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga bisita.

“Wait,” nagring ang phone ko. Si Mylene. “Yes?”

“She’s coming.”

“Really? Ok!”

Turned off my phone. Sabay harap sa mga ‘audience’. “She’s coming!”

Naghanda na nag lahat. Alam na nila ang gagawin.
***
Jessie’s POV

“Nandito lahat tayo para---“

“Father! I---tigil-----mo yan!” malalim pang paghinga. Napagod talaga ako. Sa sobrang inis ko sa tricycle driver at sa bulok na tricycle nya na tinirik ako sa high way, tinakbo ko na lang hanggang sa simbahan. “Geoff! ---Akin--- ka!”

Napatingin silang lahat sa akin. Pati na si Geoff---

Na walang partner sa harap ng altar?

Is this some kind of a joke?!

“Hahaha. Funny, Miss-late-comer-bride...” nakangising lumapit sakin si Angelie, may kasamang tatlong babae na may hawak na tela....

At ni-connect sa damit ko...

“A-no to?” nalilito ako sa kanila. Tapos inalalayan ako ni Angelie patungo sa tabi ni Geoff.

“Any question?” nakataas kilay na tanong sakin ni Geoff habang pinipigilan ang pagngiti.

“Anong...? Di ba...? si Angelie....? Bakit...?” anong tanong ba dapat ang una kong sabihin.

“I planned the best wedding ever for you!”

“Ha?”

At nagsimulang pumalakpak ang mga tao...

Nahawi ang mga yun at nakita ko sina Peter, Natasha, Angelie, at si ate Mylene.

Gosh. Planado pala ang lahat!

“Guess, everythings fine now, Father...” si Geoff na di pa rin tinatanggal ang pagkakatitig sakin.

“Nandito tayo nga---“

“Father, pwedeng lagpasan na lang yan?” Okay. Ako na nga ang atat. Natawa pa sila sa sinabi ko. Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari kung patatagalan ko pa.

“Aha. You may now kiss the bride.”

At nakangiting linapit ni Geoff ang mga labi nya sa akin.

And there I've tasted the best kiss ever...

And still tasting...

'Cause Geoff... is mine.
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 9th 2013, 4:13 pm

AUTHOR'S POV: Kiber? TAPOS NA TO, UMPISA NA NAMAN. Blehh
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by EijeiMeyou February 21st 2013, 4:09 pm

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Certgi10

New cover, katamad na mag-edit. :p
EijeiMeyou
EijeiMeyou
Forum Expert


Facebook Page Admin
Status : SPAM*TEXT HERE*SPAM
Female Comments : 537
<b>Votes Received</b> Votes Received : 12
<b>Credits</b> Credits : 37193
<b>Join date</b> Join date : 2013-01-03
1st Pet : Fat Frog
Badges : Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty
Chatbox Game Winner: Shuffle Words Contest 1 Badge Shop 1 Badge Book 1 Badge Happy Hearts Day 2013 Top Poster of January 2013


http://eijeiajmeyou.weebly.com/ http://www.wattpad.com/user/EijeiMeyou

Back to top Go down

Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou) - Page 2 Empty Re: Give Me a Reason to Live (EijeiMeyou)

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 2 of 2 Previous  1, 2

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum